Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon

O MAGSAYA
(Himig: Joy to the World)
O magsaya at magdiwang
Pagkat sumilang na
Ang hari ng lahat,
Ang hari ng lahat
Kaya`t ating buksan,
Kaya`t ating buksan
Ang pinto ng ating pagmamahal
Talikdan na at linisin
Ang buhay na liko,
Sa Sanggol sa Belen,
Sa Sanggol sa Belen
Malinis na puso,
Malinis na puso
Ang ating ---Ang ating ihahain.

TALANG PATNUBAY
(Himig: Silent Night)
Natanaw na sa silangan
Ang talang patnubay
Nang gabing katahimikan
Ang Sanggol sa lupa`y isilang
Ng Birheng matimtiman,
Sa hamak na sabsaban.
H-m-m-m! H-m-m-m!
H-m-m-m! H-m-m-m!
Tulog na, Oh Sanggol na hirang ,
Hilig na sa sutlang kandungan
Ng Birheng matimtiman,
Ikaw ay a-a-witan.

KLING! KLING1 KLING1
Kling! Kling! Kling!
Kling! Kling! Kling!
Anong tuwa`t saya
Oh,kayo`y tumugtog na
Kami ay kakanta! (Hey)
Heto na, Heto na,
Ang paskong masaya
Nalalanghap ko na
Ang suma`t kasilba.
Mayroong sumasayaw,
Mayroong lumulukso,
Oh, mano po ninong, ninang
Kami`y namamasko.
(Ulitin ang unang saknong ng walang Hey)
