Home
Till Tema modersmål

Tema modersmål - tagalog

2012-04-24 13:11

Araw ng Valborg

 

valborg_eld1

Ang araw ng Valborg ay ipinagdiriwang sa hapon ng ika-30 ng Abril. Ito ay isang lumang tradisyon sa siyang pasimula ng tag-init. Mula pa sa kauna-unahang panahon  ang mga tao ay nagsasawa na sa kahabaan ng taglamig at kadiliman ay nasasabik silang magdiwang at magsaya sa pamamagitan ng paggawa ng apoy.

Läs mer...
 
2010-02-09 10:54

ARAW NG MGA PUSO

red_roses



KASAYSAYAN NG VALENTINO

Ang araw ng Valentino ay ipinagdiriwang tuwing ika-14 ng Pebrero. Ito ay pagdiriwang ng pag-iibigan at mga mangingibig. Sa araw na ito nagbabatian, nagbibigayan ng kard, bulaklak at iba mga regalo.

LUPERCALIA

valkiss

Ang araw ng Valentino ay nagsimula sa pagdiriwang ng Lupercalia ng mga Romano tuwing ika-15 ng Pebrero sa pagsalubong ng tagsibol. Inaakalang ang Lupercalia ay may kaugnayan sa Diyos ng mga Romano sa si Lupercus at Faunus. Si Lupercus ay bantay sa mga pastol at sa kanyang mga alaga; si Faunus naman ay Diyos sa mga tupa at upang maging mabinhi. Ang pagdiriwang sa araw na ito ay upang tiyakin na ang mga hayop (tupa) ay magkakaroon ng maraming anak, matabang lupa at malusog ang mga mamamayan.

Läs mer...
 
2011-11-17 10:21

Mga Bayani

 

Andres_Bonifacio1

Ginugunita ang kaarawan ng bayaning si Andres Bonifacio tuwing ika 30 ng Nobyembre. Ang araw na ito ay bakasyon, walang pasok sa paaralan at sa trabaho. . Napagkakamalang din Araw ng mga Bayani ang araw na ito. Ipinagdiriwang sa  kapanganakan ni Andres Bonifacio, sa makasaysayang dahilan, hindi katulad ng mga iba pang bayani tulad ni Jose Rizal na inaalaala sa araw ng kanilang kamatayan na namatay sa kamay ng mga kaaway/kadigma. Si Andres Bonifacio ay binitay ng kanyang kasamahan/kababayan. Si Emilio Aguinaldo ang nag-utos sa kanyang pagbitay, sa dahilang siya ay kaaway ng bayan pagkatapos ng Konbensiyon ng Tejeros.

 

[Republic Act No. 3827 na ipinaganap ng Philippine Commonwealth legislature noong ika- 28 ng Oktubre, 1931, idineklara na ang huling linggo ng national_heroes_dayAgosto ay magiging Araw ng mga Bayani.

Ayon naman sa Proklamasyon Bilang 1699 na pinalabas ng dating Presidente Gloria Macapagal- Arroyo,  ang Araw ng mga Bayani ay ika- 30 ng Agosto at pag pumatak sa araw ng Linggo, ang susunod na araw ang magiging bakasyon.

 

 

 
2011-10-23 15:59

Nagkakaisang Bansa

flag-united-nations

Historya
Ang samahan ng mga bansa (League of Nations) ay nabigong pigilin ang Ikalawang Pandaigdigang digmaan. (1939-1945) Dahil sa lumalaganap na katotohanang hindi na makaya ng sangkatauhan na magkaroon ng ikatlong Pandaigdigang Digmaan, itinatag ang Nagkakaisang Bansa (United Nation) para palitan ang may lamat na Samahan ng mga Bansa noong 1945.

Läs mer...
 
2011-09-09 04:58

Skokloster

SkoklosterPalace3

SKOKLOSTER
skoklosterkarta

Ang kastilyo ng Skokloster ay matatagpuan sa lungos (peninsula) sa bayan ng Håbo sa pagitan ng Stockholm at Uppsala.

 

 

Maikling Historia

Itinuturing ngayon na isa sa mga pangunahing museong baroque. Itinayo sa panahon ng 1654-1676 ni greve at punong heneral na si Carl Gustav Wrangel noong panahon na ang Sweden ay makapangyarihan. Noong 1676 namatay si Carl gustaf Wrangel. Ang pamilya ng Brahe at von Essen ang sumunod na nag may-ari sa kastilyo. Ipinagbili ang kastilyo sa Estado ng Suweko noong 1967 kasama na rito ang mahigit kumulang na50 000 bagay na nilalaman ng bahay..Magmula noon ang kastilyo ay naging pambansang museo. Noong namatay si Carl Gustaf Wrangel humintong magtrabaho ang mga anluwage at ladrilyero at inwang hindi tapos ang silid ng pigingan. Ang mga kasangkapan ginamit ay naroroon pa rin hanggang ngayon. Ang taguan ng mga armas ay ay hindi nagalaw, puno ng iba`t ibang makabagong sandata noong unang panahon na nagmula sa ibat ibang bansa. Ang mga sandata, aklat at iba pang mga naipon sa mga nagdaan taon ay nagmula noong 1550 hanggang 1850.

 
2011-08-24 11:42

Agosto, Buwan ng Wikang Pambansa

Agosto, Buwan ng Wikang Pambansa

Hango sa:
Manila Bulletin
Ika 28 ng Hulyo 2011-08-24
Ni: Hernando Malipot

wikang_pilipinojpg 

Ang Kagawaran ng Edukasyon ay nagbunsod ng iba`t-ibang palatuntunan sa lahat ng antas ng paaralan upang mahikayat ang mga mag-aaral na lumahok sa pagdiriwang ng Pambansang Wika.

Ayon kay kalihim ng edukasyon, Armin Luistro ang pagdiriwang ay nahahati sa limang(5) bahagi:

1. 1-7 ng Agosto: ang paksa ay Ang Pambansang Awit. Ayon sa ating kalihim ng edukasyon, kinakailangan masuri at mapahalagahan ang kabuluhang ng pagkamakabayan na napapaloob sa bawa`t nilalaman ng awitin.


2. 8-14 ng Agosto: Ang Panatang Makabayan
ang kahalagahan ng Pambansang Wika sa pagpapatupad ng disiplina na magbibigay daan sa pag-unlad ng bansa. Susuriin at ilalagay/itatanim sa puso ang kahalagahan ng Panatang Makabayan.
Ang mga paaralan ay magtatanghal ng dula at paligsahan sa pagsulat ng mga tula na pinapalooban ang kahalagahan ng disiplina, ayon sa ating kalihim ng edukasyon.


3. 15-21 ng Agosto: Paggamit ng wika bilang sandata para makamit ang kalayaan at katarungan. Ang mga paaralan ay magkakaroon ng panayam tungkol kasaysayan ng bansa sa pakikibaka sa kalayaan at debate tungkol sa "Kahalagahan ng Wika sa Larangan ng Katarungan"

 
4. 22-28 Ang paksa ay "Wikang Filipino: Tugon sa Malinaw na Programa sa Tuwid na Landas" Ang linggong ito ay nakalaan sa pagkatha ng musika at pagsulat ng manga tula na inilunsad ng pamahalaan gaya ng pangangalaga sa kapaligiran, kalinisan at pag-unlag ng ating Wikang Pambansa.

 

 
2010-05-17 13:40

Pambansang Araw ng Sweden

Animated-Flag-Sweden

Ipinagdiwang ang araw ng Sweden sa unang pagkakataon sa taong 1983. Pinili ang petsang ito sa dahilang maraming mahahalagang pangyayari.

Läs mer...
 
  • «
  •  Första 
  •  Föregående 
  •  1 
  •  2 
  •  3 
  •  Nästa 
  •  Sista 
  • »
Sida 1 av 3