
APRIL FOOLS
(Aprilskämt)
Ang pagbibiro o panluluko sa unang araw ng Abril ay ginagawa sa maraming dako ng mundo. Dito sa Sweden ay kalimitan ang pahayagan ang naglalathala ng mga artikulong hindi totoo sa unang araw ng Abril.
Kasaysayan:
Noong unang panahon, nagsisimula ang bagong taon sa ika-25 ng Marso. Ipinagdiriwang ito hanggang sa ikawalong araw na pumapatak sa unang araw ng Abril na siyang katapusan ng pagdiriwang.
Nang ilipat ang bagong taon sa unang araw ng Enero (taong 153 f.kr.) ay marami pa rin ang nagwalang bahala at ipinagpatuloy ang pagdiriwang ng bagong taon sa unang araw ng Abril. Ang mga taong ito ang nagpasimula na magbiruan at maglukuhan sa araw na ito bilang pagdiriwang ng bagong taon. Ang pagbibiruan at paglulukuhan ay naging tradisyon na ipinagpatuloy hanggang sa ngayon sa unang araw ng Abril.
Magkakamukha o kaya ay magkakatulad ang paglulukuhan sa buong Europa. Sa Fransiya (Frankrike) ay nagsimula noong 1500 dantaon. Tinatawag ng "poisson dàvril" (isdang Abril) ang mga taong naluko. Nagdidikitan ng mga iginuhit na isda sa likod ng mga binibiro at pagkatapos ay tinatawag na isdang Abril.
....]










