Home Mga Kagamitan - Lärometerial
Till Tema modersmål

Tema modersmål - tagalog

Araw ng Valborg

Skriv ut

 

valborg_eld1

Ang araw ng Valborg ay ipinagdiriwang sa hapon ng ika-30 ng Abril. Ito ay isang lumang tradisyon sa siyang pasimula ng tag-init. Mula pa sa kauna-unahang panahon  ang mga tao ay nagsasawa na sa kahabaan ng taglamig at kadiliman ay nasasabik silang magdiwang at magsaya sa pamamagitan ng paggawa ng apoy.

Läs mer...
 

Awiting Pamasko

Skriv ut

MGA AWITING PAMASKO
Halinang makinig ng mga awiting pamaskong sariling atin.
xmas_bell

 

border_xmas

MALIGAYANG PASKO AT MANIGONG BAGONG TAON

 

Santa Lucia

Skriv ut
lucia_121453332SANTA LUCIA - ANG REYNA NG LIWANAGAng ika-13 ng Disyembre ay araw ng Lucia. Isang tradisyon na ipinagdiriwang dito sa Sweden. Maagang-maaga ay dumarating si Lucia kasama ang kanyang mga abay. Sila ay nakadamit ng puting-puti at may hawak na kandila. Si Lucia ay may ilaw na kandila sa ulo. Kumakanta sila ng kantang pang Lucia at kantang pamasko. Sa araw na ito ay kumakain ng "pepparkaka at lussekatter", tinapay na may "safran" at pasas.
Ipinagdiriwang sa iba't ibang lugar, sa paaralan, sa hospital sa pabrika at sa bahay. Ang mga bata ay nakadamit ng Lucia, damitpang-abay(tärnor), lalaking bituin (stjärngossar),Santa klaus at lalaking "Pepparkaka". Sa simbahang katoliko ay ipinagdiriwang din sa araw na ito si Santa Lucia.

Läs mer...
 

Nagkakaisang Bansa

Skriv ut

flag-united-nations

Historya
Ang samahan ng mga bansa (League of Nations) ay nabigong pigilin ang Ikalawang Pandaigdigang digmaan. (1939-1945) Dahil sa lumalaganap na katotohanang hindi na makaya ng sangkatauhan na magkaroon ng ikatlong Pandaigdigang Digmaan, itinatag ang Nagkakaisang Bansa (United Nation) para palitan ang may lamat na Samahan ng mga Bansa noong 1945.

Läs mer...
 

Alamat ng Bundok ng Tsokolate

Skriv ut

chocolate_hills_bohol_philippines

Ang mga bundok ng mga tsokolate ay matatagpuan sa pulo ng Bohol sa Kabisayaan. Ito ay isa sa mga magagandang tanawin na dinarayo ng mga banyangang pumupunta sa ating bansa.
Basahin natin kung paano at kung saan nagmula ang mga bundok na ito.

Noong unang panahon sa pulo ng Bohol, ang lupa ay tigang. Namimitak ang bukirin kapag tag-init. Kung tag-ulan nama`y putikan ito. Sa tagsibol lamang lumalamig sa paningin mula sa mga tanim na palay ng mga luntian dahon nito.

Ayon sa mga ninuno natin, sa magkabilang ibayo ng pulo ay may nakatirang higante. Ang isa ay taga timog at ang isa ay taga hilaga. Sa di inaasahang pagkakataon ang dalawa ay nagkatagpo. Ang mga tao ay nangatakot at lumisan. Nagtungo sila sa ibang dako ng pulo.

Ang higanteng taga timog ay nagwika, "Hoy! Higanteng bubo, Akin ang lugar na ito". "Humanap ka ng sariling lupain mo"

Sumagot ang higanteng taga hilaga. "Hindi maari! Ako ang nauna sa lugar naito", "Kung gusto mo, ikaw ang umalis".

"Hindi ako makapapayag!", sagot ng higanteng timog sabay padyad. Yumanig ang buong lupa.

"Lalo nanam ako!" patalon na sigaw ng higanteng hilaga. Nagpalitan sila ng matitigas at magagaspang na salita. Walang ibig sumuko.
Dahil katatapos lamang ng ulan noon ang lupa ay malambot. Dumampot ng lupa si higanteng hilaga at binato si higanteng timog. Gumanti si higanteng timog. Gumawa ng bolang putik at ibinato rin nito. Bakbakan umaatikabo! ! Wala sa dalawa ang gustong sumuko. Patuloy ang pagbabatuhan nila hanggang isa man sa kanila ay hindi makaagapay sa pagod at kapinsalaan. Kapwa natimbuwang ng wala ng buhay.

Ang naiwanan nila ay ang mga tumpok-tumpok ng mga bolang putik na pinagbabato nila. Ito ay naging bulubundukin na kapag tag-araw ay animo`y tumpok-tumpok ng mga tsokolate kapag pinagmamasdan mula sa himpapawid. Ngunit kung tag-ulan naman ay bulubunduking luntian na kaayaayang pagmasdan.

Bakit tinawag na bundok ng mga tsokolate? Kung tag-init ang mga damo ay natutuyo at ang lupa ay tigang. Unang patak ng ulan, bago tumubo ang mga damo, ang lupa ay nagiging putik na animo`y tsokolateng natutunaw.

chocolatehills

TALASALITAAN:

Pagtambalin ang mga salitang magkasinghulugan:

1. pulo                                                    a. umalis

2. tigang                                                b. gumalaw

3. namimitak                                        c. lumakad

4. tumahak                                           d. labanan

5. lumisan                                            e. nabibiyak

6. yumanig                                           f. pagtutunggali

7. bakbakan                                        g. tuyo

8. paghahamok                                  h. natumba

9. natimbuwang                                  i. berde

10. luntian                                           j. Isla

 

Pumasok sa sumusunod na website kung gustong malaman ang mga iba pang impormasyon tungkol sa Bohol.

http://www.bohol.org/

http://wowphilippines.com.ph/

http://www.boholchronicle.com/

http://www.bohol.com.ph/

http://www..bohol.gov.ph/

 

 

 

 

 

 

Panatang Makabayan - Bago

Skriv ut

3dflag1

PANATANG MAKABAYAN
(BAGONG BERSIYON)

Iniibig ko ang Pilipinas

Aking lupang sinilangan

Tahanan ng aking lahi

Kinukupkop ako at tinutulungan

Maging malakas

Masipag at marangal

Dahil mahal ko ang Pilipinas

Diringgin ko ang payo

Susundin ko ang tuntunin

Ng aking paaralan

Tutuparin ko ang tungkulin

Ng mamamayang makabayang

Naglilingkod, nag-aaral,

Nagdarasal ng buong katapatan

Inaalay ko ang aking buhay

Pangarap, pagsisikap

 

ÄR ....]

 
  • «
  •  Första 
  •  Föregående 
  •  1 
  •  2 
  •  3 
  •  4 
  •  Nästa 
  •  Sista 
  • »
Sida 1 av 4