MAHAL NA ARAW
SA SVERIGE(Sweden)
Linggo ng palaspas ay unang araw bago magsimula ang linggo ng mahal na araw. Ang araw na ito ay ipinagdiriwang sa pag-alaala sa pagpasok n
i Hesukristo sa Jerusalem, na sinalubong ng mga tao na may mga palaspas (mga dahon ng niyog o kaya ay mga sanga na may dahon) bilang pagsalubong sa kanyang pagdating.
Nagsimula nang magdiwang ang mga katoliko noong 300 dantaon na ang nakakaraan sa pamamagitan ng prusisyon ngunit nang kumalat sa iba pang bahagi ng hilagang Europa, ang dahon ng niyog ay pinalitan ng sanga ng "sälg". Nang lumaon ang Sweden ay naging protestante, ipinagbawal ang magdala ng mga sanga sa loob ng simbahan para basbasan.