Till Tema modersmål

Tema modersmål - tagalog

Bakit Mahaba ang Ilong ng Elepante

Skriv ut

baby_elephant

BAKIT MAHABA ANG ILONG NG ELEPANTE?

Noong unang panahon ang ilong ng elepante ay di katulad sa ngayon. Ang kanilang ilong ay bilog na kasinlaki lamang ng botas.
May isang batang elepante na laging nagtatanong ng Sino?, Bakit?, Saan? Paano? Ano?. Ang kanyang tatay, nanay, ate, kuya, tiya at tiyo ay galit na sa kanya at binigyan siya ng isang malakas na sampal.
Isang araw ang batang elepante ay may bagong tanong. "Nanay, ano ang hapunan ng buwaya"?, tanong niya sa ina."Pumunta ka sa ilog at tanungin mo siya," sagot ng ina at sinampal siya para suwertihin.
Dali-daling nagtungo sa ilog ang batang elepante. Nang dumating siya sa ilog, ay may nakita siyang nakalutang na troso. crocodile

Bumuka ang isang mata ng troso at kinindatan siya nito. (Ito pala`y hindi troso). Gulat na gulat ang batang elepante. "Mawalang galang po!, Ano po ang hapunan ng buwaya?, tanong ng batang elepante. "Lumapit ka at ibubulong ko sa iyo", sabi ng buwaya.
Lumapit ng malapit na malapit ang batang elepante. Bigla siyang kinagat ng buwaya sa ilong. Ibig kumawala ang elepante at sila`y naghilahan nang naghilahan hanggang sa makaalpas ang batang elepante. Nabinat nang husto ang kanyang ilong at ito`y hindi na bumalik sa dati. Ang batang elepante ay may mahaba ng ilong.


2_elephantNang siya`y umuwi, sinampal niya ang kanyang tatay, nanay, kapatid, tiyo at tiya ng kanyang mahabang ilong.
Sila naman ngayon ang nagtanong- ng nagtanong. "Saan mo kinuha ang iyong magandang ilong?" tanong nila. Nang ikuwento ng batang elepante ang ginawa ng buwaya, lahat sila`y nagtungo sa ilog at ipinakagat ang kanilang ilong,

 

 

Hinango sa "the Elephant`s Child"
Ni: Rudyard Kipling

 

 

 

Alamat ng Bundok ng Tsokolate

Skriv ut

chocolate_hills_bohol_philippines

Ang mga bundok ng mga tsokolate ay matatagpuan sa pulo ng Bohol sa Kabisayaan. Ito ay isa sa mga magagandang tanawin na dinarayo ng mga banyangang pumupunta sa ating bansa.
Basahin natin kung paano at kung saan nagmula ang mga bundok na ito.

Noong unang panahon sa pulo ng Bohol, ang lupa ay tigang. Namimitak ang bukirin kapag tag-init. Kung tag-ulan nama`y putikan ito. Sa tagsibol lamang lumalamig sa paningin mula sa mga tanim na palay ng mga luntian dahon nito.

Ayon sa mga ninuno natin, sa magkabilang ibayo ng pulo ay may nakatirang higante. Ang isa ay taga timog at ang isa ay taga hilaga. Sa di inaasahang pagkakataon ang dalawa ay nagkatagpo. Ang mga tao ay nangatakot at lumisan. Nagtungo sila sa ibang dako ng pulo.

Ang higanteng taga timog ay nagwika, "Hoy! Higanteng bubo, Akin ang lugar na ito". "Humanap ka ng sariling lupain mo"

Sumagot ang higanteng taga hilaga. "Hindi maari! Ako ang nauna sa lugar naito", "Kung gusto mo, ikaw ang umalis".

"Hindi ako makapapayag!", sagot ng higanteng timog sabay padyad. Yumanig ang buong lupa.

"Lalo nanam ako!" patalon na sigaw ng higanteng hilaga. Nagpalitan sila ng matitigas at magagaspang na salita. Walang ibig sumuko.
Dahil katatapos lamang ng ulan noon ang lupa ay malambot. Dumampot ng lupa si higanteng hilaga at binato si higanteng timog. Gumanti si higanteng timog. Gumawa ng bolang putik at ibinato rin nito. Bakbakan umaatikabo! ! Wala sa dalawa ang gustong sumuko. Patuloy ang pagbabatuhan nila hanggang isa man sa kanila ay hindi makaagapay sa pagod at kapinsalaan. Kapwa natimbuwang ng wala ng buhay.

Ang naiwanan nila ay ang mga tumpok-tumpok ng mga bolang putik na pinagbabato nila. Ito ay naging bulubundukin na kapag tag-araw ay animo`y tumpok-tumpok ng mga tsokolate kapag pinagmamasdan mula sa himpapawid. Ngunit kung tag-ulan naman ay bulubunduking luntian na kaayaayang pagmasdan.

Bakit tinawag na bundok ng mga tsokolate? Kung tag-init ang mga damo ay natutuyo at ang lupa ay tigang. Unang patak ng ulan, bago tumubo ang mga damo, ang lupa ay nagiging putik na animo`y tsokolateng natutunaw.

chocolatehills

TALASALITAAN:

Pagtambalin ang mga salitang magkasinghulugan:

1. pulo                                                    a. umalis

2. tigang                                                b. gumalaw

3. namimitak                                        c. lumakad

4. tumahak                                           d. labanan

5. lumisan                                            e. nabibiyak

6. yumanig                                           f. pagtutunggali

7. bakbakan                                        g. tuyo

8. paghahamok                                  h. natumba

9. natimbuwang                                  i. berde

10. luntian                                           j. Isla

 

Pumasok sa sumusunod na website kung gustong malaman ang mga iba pang impormasyon tungkol sa Bohol.

http://www.bohol.org/

http://wowphilippines.com.ph/

http://www.boholchronicle.com/

http://www.bohol.com.ph/

http://www..bohol.gov.ph/

 

 

 

 

 

 

Alamat ng Pinya

Skriv ut

pinya1
ANG ALAMAT NG PINYA
Noong unang panahon may nakatirang mag-ina sa isang malayong pook. Ang ina ay si Aling Rosa at ang anak ay si Pinang. Mahal na mahal ni Aling Rosa ang kanyang bugtong na anak. Kaya lumaki si Pinang sa layaw. Gusto ng ina na matuto si Pinang ng mga gawaing bahay, ngunit laging ikinakatwiran ni Pinang na alam na niyang gawin ang mga itinuturo ng ina. Kaya't pinabayaan na lang niya ang kanyang anak.

Läs mer...
 

Alamat ng Saging

Skriv ut

buwig

ANG ALAMAT NG SAGING

Noong unang panahon sa isang nayon ay may magkasintahan. Sila ay si Juana at si Aging.Sila`y labis na nagmamahalan sa bawa`t isa. Ngunit tutol ang mga magulang ni Juana sa kanilang pag-iibigan. Gayun pa man di ito alintana ni Juana. Patuloy pa rin siyang nakikipagkita kay Aging.

Läs mer...
 

Alamat ng Kasoy

Skriv ut

kasoy

ANG ALAMAT NG KASOY
Nasaan ang buto ng mga prutas? Nasa loob di ba? Ngunit ang kasoy ay kakaiba. Ang buto ay nasa labas. Alam ba ninyo kung bakit? Alamin natin sa sumusunod na kuwento.
Noong unang panahon sa loob ng kagubatan ay may kasayahang nagaganap. Lahat ng uri ng mga hayop ay naroroon. Sila`y masayang nagkakantahanan at nagsasayawan. Sa di naman kalayuan ay may isang bagay na nakikinig at inggit na inggit sa kasayahang naririnig. Ito`y walang iba kungdi si KASOY.

Läs mer...
 
  • «
  •  Första 
  •  Föregående 
  •  1 
  •  2 
  •  Nästa 
  •  Sista 
  • »
Sida 1 av 2