
Historya
Ang samahan ng mga bansa (League of Nations) ay nabigong pigilin ang Ikalawang Pandaigdigang digmaan. (1939-1945) Dahil sa lumalaganap na katotohanang hindi na makaya ng sangkatauhan na magkaroon ng ikatlong Pandaigdigang Digmaan, itinatag ang Nagkakaisang Bansa (United Nation) para palitan ang may lamat na Samahan ng mga Bansa noong 1945.
Layunin
1. Panatilihin ang pandaigdigang kapayapaan.
2. Itaguyod ang pagtutulungan sa ikalulutas sa pandaigdigang ekonomiya, panlipunan at makataong suliranin.
Ang pagbuo sa bagong samahan ay isinagawa sa ilalim ng pagtatangkilik ng Amerika noong 1939. Unang isinagawa ni Franklin D.Roosevelt na ang katawagang "Nagkakaisang Bansa" (United Nations) ay tutukoy sa Magkakaanib na Bansa. Noong Enero 1942, opisyal na ginamit ang katawagang ito nang ang 26 na pamahalaan ay lumagda sa Atlantic Charter, na nangakong ipagpapatuloy ang pagsisikap na iwasan ang digmaan. Nagsimula ang komperensiya ng UN sa San Francisco noong ika 25 ng Abril, 1945 na dinaluhan ng 50 pamahalaan at ng ilang di kasapi sa pamahalaan upang balangkasin ang prebilihiyo ng United Nations" unang pinairal ang UN noon ika-24 ng Oktubre, 1945 sa pagpapatibay ng prebilihiyo ng limang permanenteng kasapi sa Sanggunian ng Kaligtasan - Francsiya, Republika ng Tsina, Soviet Union, Englatierra at Estados Unidos - at ng iba pang 46 na lagda. Unang ginanap ang pangkalahatang pagpupulong na kinakatawan ng 51 nasyon, at ang Sanggunian ng Kaligtasan sa Westminster Cetral Hall sa London noong Enero 1946.








