Home Tungkol sa Inang Wika - Om TM
Till Tema modersmål

Tema modersmål - tagalog

Om Tema Modersmål

E-postadress Skriv ut PDF
TUNGKOL SA INANG WIKA (Om Modersmål) PDF Utskrift E-post
2007-06-07

Gabay,Pagtuturo at Patnubay sa Pag-aaral

_ Malaki ang kahalagahan ng KATUTUBONG WIKA sa pagkatao (identity) at pagtitiwala sa sarili ng bata
_ Ang KATUTUBONG WIKA ay batayan sa pagkatuto ng bata
_ Madaling matuto ang bata sa kanyang pangalawang wika at iba pang kaalaman
_ Kayamanan ng pamayanan ang mga mamamayang may maraming wika

May malawak na pananaliksik  na nakaipon  sa ”NORDBAS” na nagpapatunay ang kahalagahan ng pagtuturo sa pag-aasikaso ng bata (preschool) at sa paaralan.

ANO ANG GABAY SA KATUTUBONG WIKA
(Vad är modersmålsstöd?)

Ayon sa plano ng pagtuturo sa Kindergarten, ang batang may ibang wika maliban sa Sweko ay may pagkakataong mapaunlad ang sariling wika. Ang guro sa KATUTUBONG WIKA ay nagpupunta nang isa o dalawang araw sa loob ng isang linggo ayon sa pangangailan ng bata. Ang guro ay galing sa parehong lugar na pinanggalingan ng bata. Sila`y naglalaro, kumakanta, gumuguhit, naggugupit, nagdidikit at nagbabasa ng mga kuwento sa KATUTUBONG WIKA ng bata. Ang guro ay maaring mamuno sa laro at kanta sa buong grupo at palaganapin ang kultura, kasabay nito pinalalakas niya ang pagkatao (identity) ng mga batang kanyang tinuturuan. Kung ang bata ay nagsasanay na ng kanyang KATUTUBONG WIKA sa Kindergarten pa lamang, ipinapakita sa pagsisiyasat na lalo nilang makakayanan ang mga gawaing sa paaralan. Ito ay magiging tulay sa pagitan ng wika sa kindergarten at wika sa tahanan.

ANO ANG PAGTUTURO SA KATUTUBONG WIKA
(Vad är modersmålsundervisning?)

Ang KATUTUBONG WIKA ay isang asignatura sa mababa at mataas na paaralan. Ang layunin ay mabigyan ang mga bata ng magandang paraan sa pag-aaral para mapaunlad ang kanyang dalawang wika, pagkatao at kakayahan.Ang mga gawain ay kailangang mai-angkop sa kanyang kakayahan para mapaunlad at mapatibay  pagtitiwala sa sarili. Ang pagtuturo ng KATUTUBONG WIKA ay may ilang alitutunin na maaaring basahin sa pamagat na ”Styrdokument” Ang gurong magtuturo ay kalimitang nanggaling sa bansang pinanggalingan ng bata. Kailangan may sapat siyang kaalaman sa wika at sa lipunan ng Sweko.

 ANO ANG PATNUBAY SA PAG-AARAL SA KATUTUBONG WIKA
(Vad är Studiehandledning på Modersmål?)

Ang mga batang kararating sa Sweden na hindi nakakasunod sa pagtuturo ay binibigyan ng pagkakataong maipaliwanag upang maintihan at matutunan ang asignatura sa pamamagitan ng kanyang KATUTUBONG WIKA.. Ang mga magulang at paaralan ay mag-uusap tungkol sa pangangailangan ng patnubay sa pag-aaral ng mag-aaral. Ang punongguro ang siyang magpapasiya kung ang mag-aaral ay may karapatang alukin o bigyan ng patnubay sa pag-aaral.

SINO ANG MAY KARAPATAN SA GABAY,PAGTUTURO AT PATNUBAY SA KANYANG KATUTUBONG WIKA
(Vem kan få stöd, undervisning och studiehandledning på sitt modersmål?)

Lahat ng mag-aaral na may ibang wika maliban sa Sweko ay may karapatang mag-aral sa kanyang wika. Ang mga minoridad na wika ay mabibigyan ng pagtuturo sa KATUTUBONG WIKA kahit ito`y hindi ginagamit na pang-araw-araw na salita sa tahanan. Kahit ang mga batang ampon na hindi nakakapagsalita sa sariling wika ay mayroong ding karapatan matuto sa kanyang KATUTUBONG WIKA..

SINU-SINO ANG MGA PANDAIGDIGANG MINORIDAD NA WIKA?
(Vilka är de nationella minoritetsspråken?)

 Ang pandaigdigang minoridad na wikang ”samiska”, ”meän kieli” at ”romani chib” ay may karagdagang karapatan. Ang katayuan ng kanilang wika dito sa Sweden ay ibinabagay sa alituntunin ng Europa taong 2001.Basahin pa tungkol sa minoridad na wika (minoritetsspråk) sa paaralan at pananaliksik (forskning) sa Pamantasan ng Uppsala.

PAANO MAGPAPATALA PARA SA KANYANG ANAK?
(Hur ansöker man om plats för sitt barn?)

 Ang mga magulang ay maaaring magtungo at magtanong sa paaralan at munisipyo tungkol sa pagtuturo ng KATUTUBONG WIKA. Ang mga magulang ang siyang magpapasiya at hindi ang mga tauhan sa paaralan at ”pre-school” kung ang kanyang anak ay mag-aaral ng KATUTUBONG WIKA. Ang tungkulin ng paaralan at ”pre-school” ay magbigay ng impormasyon kung kailan at kung paano isasagawa ito. Ang gabay at pagtuturo sa KATUTUBONG WIKA ay walang bayad at ito`y hindi sapilitan.

SINU-SINO ANG MAY PANANAGUTAN PARA SA GABAY,PAGTUTURO AT PATNUBAY SA PAG-AARAL?
(Vem ansvara för stöd, undervisning och studiehandledning?)

Ang munisipyo ang may pangunahing pananagutan sa ”pre-school” at paaralan. Malaya siyang makapagpapasiya kung paano niya itatatag ang gawain para maabot ang layuning itinakda ng pamahalaan. Tungkulin niyang bumuo ng isang leksiyon para sa KATUTUBONG WIKA kung may sapat na mag-aaral  (mga lima (5) sa isang grupo) at may angkop na guro. Ang mga mag-aaral sa iba`t-ibang paaralan ay mag-ipon-ipon upang makabuo ng sapat na bilang para makabuo ng isang pangkat

PAGTATATAG SA KINDERGARTEN
(Organisation I förskolan).

 Pananagutan ng munisipyo na bigyan ang ”pre-school” ng pagkakataong makasunod sa layunin ng kurrikulum. Ang pansariling pagsulong at pagkatuto ng bata ay itataguyod sa pamamagitan ng pikikipagtulungan sa tahanan. Ang guro sa KATUTUBONG WIKA ay nagpupunta isang beses isang linggo ng dalawa(2) hanggang anim(6) na oras sa ”pre-school” o sa kindergarten. Sa katunayan ngayon ay isa (1) sa sampung (10) bata lamang ang nagkakaroon ng gabay sa KATUTUBONG WIKA  Malaki ang kaibhan ng bilang ng mga bata sa iba`t-ibang munisipyo.

PAGTATATAG SA MABABANG PAARALAN
(Organisation i grundskolan)

Ayon sa batas ng paaralan ay tungkuling ng mga munisipyo ang mag-alok ng pagtuturo sa KATUTUBONG WIKA.Ang pagtuturo ay binubuo sa iba`t-ibang paraan sa mababang paaralan. Bawa`t mag-aaral ay magkakaroon ng dalawa(2) o tatlong (3) oras na leksiyon sa loob ng isang linggo.

1.      Pagtuturo sa KATUTUBONG WIKA bilang pagpili ng wika (språk val) (baitang 6 - 9)

Ang mag-aaral ay maaaring mag-aral ng kanyang sariling wika sa halip na kumuha ng wikang banyaga. Ang pagtuturo ay bahagi sa talatakdaan ng paaralan. Ang bilang ng  oras ay nahahati mula sa ika-anim na baitang hanggang ika-siyam na baitang. Ang punongguro lamang ang makapagpapasiya kung anu-anong wikang pagpipilian na mayroon sa paaralan at ayon sa bilang ng mga mag-aaral na nais kumuha nito.

2.      Pagtuturo sa KATUTUBONG WIKA bilang pagpili ng mag-aaral (elevens val) (baitang 1 - 9)

Sa buong panahon ng pag-aaral sa mababang paaralan, ang paaralan ay mag-aalok ng ilang pagtuturo sa labas ng pansariling pagpili ng mag-aaral. Sa pamamagitan ng pagpili ng mag-aaral ay mapapabuti ang kaalaman sa isa o mahigit pang asignatura na naroron na sa paaralan. Maaaring piliin ang KATUTUBONG WIKA bilang pagpili ng mag-aaral .(elevens val). Ang magpapasiya ay ang punongguro at ang bilang ng mga mag-aaral na nagpatala kung ang KATUTUBONG WIKA ay iaalok bilang pagpili ng mag-aaral(elevens val)

3.   Pagtuturo sa KATUTUBONG WIKA bilang pagpili ng paaralan
(skolans val) ( baitang 1 - 9)

Mayroon ding ilang oras na maaaring gamitin para sa pagtuturo ng KATUTUBONG WIKA bilang pagpili ng paaralan. Ang mga oras na ito ay maaaring gamitin sa pagtuturo sa isa o mahigit pang asignatura na nagbibigay ng pansariling modelo ng paaralan. May posibilidad na mag-aayos ng pagtuturo sa KATUTUBONG WIKA bilang pagpili ng paaralan.

4 Pagtuturo sa KATUTUBONG WIKA sa labas ng talatakdaan

Ang pag-aaral ng KATUTUBONG WIKA ay maaaring isagawa sa labas ng talatakdaan. Nangangahulugan ang mag-aaral ay magkakaroon ng dagdag  na leksiyon linggu-linggo. Ang bawat munisipyo ay magpapasiya kung ilang leksiyon ang bubuuin. Karaniwan ay 2 oras sa bawat pangkat sa loob ng isang linggo.

 PAGTATATAG SA DI-KARANIWANG PAARALAN
(Organisation i särskolan)

Ang mga batang nag-aaral sa di-karaniwang paaralan ay maaari ring magkaroon ng leksiyon sa KATUTUBONG WIKA at patnubay sa pag-aaral.Ito ay bilang pagpili ng mag-aaral(elevens val) o sa labas ng talatakdaan (utanför timplan). Mayroong di-karaniwang kurrikulum sa pagtuturo ng KATUTUBONG WIKA. Ang pagtuturo ay kalimitang isang bata bawat leksiyon.

PAGTATATAG SA MATAAS NA PAARALAN
(Organisation i gymnasieskolan)

Maaaring magpatuloy ang mga kabataang mag-aral ng KATUTUBONG WIKA sa mataas na paaralan. Ang KATUTUBONG WIKA ay pinag-aaralan sa ilalim ng ”kursplan” tulad ng pansariling pagpili (Individuellt val), pagpili ng wika (språk val) o kaya ay pandagdag na kurso (utökad studiekurs) sa labas ng talatakdaan. Ang kurso ay binubuo ng 250 puntos. Ang mga munisipyo ay mag-aalok ng iba`t ibang pagkakataon sa pagtuturo ng KATUTUBONG WIKA ayon sa bilang ng mga mag-aaral at pagkukunan ng tulong.

PAGTUTULUNGAN NG TAHANAN AT PAARALAN
(Samarbete mellan hem och skola)

Sa ikatatagumpay ng pagtuturo sa KATUTUBONG WIKA  ay kinakailangan ang magandang relasyon ng paaralan at  tahanan at ng kanilang positibong loobin. Ang pagtutulungan at magandang samahan sa paaralan/ ”pre-school”at sa tahanan ay napakahalaga.  Tungkulin din ng paaralan/”pre-school” na tumawag ng pag-uusap tungkol sa pag-unlad ng mag-aaral (utvecklingssamtal) isang beses sa bawat hatintaon. Sa pag-uusap ay binubuo ng tauhan sa paaralan, ang mag-aaral at magulang. Ang mag-aaral na may KATUTUBONG WIKA ay kalimitang ang kanyang guro ay kasama rin sa pag-uusap. Hindi nangangahulugan na ang kanyang guro sa KATUTUBONG WIKA  ay tagasalin sa usapan.Ang mga magulang ay may karapatang humingi ng nakasulat na impormasyon bilang komplemento sa kanilang pag-uusap.Sa mababang paaralan ay nagbibigay ng grado mula sa ikawalong  baitang.

 
Senast uppdaterad ( 2009-09-04 09:36 )