Home Tungkol sa Pahina - Om webbplatsen
Till Tema modersmål

Tema modersmål - tagalog

Tungkol sa Pahina

E-postadress Skriv ut PDF

TULOY PO KAYO SA BAHAY-PAHINA NG WIKANG PAMBANSA



Ang pahinang ito ay nasa pagtatangkilik at pamamatnubay ng Kagawaran ng Pagtuturo (Skolverket) sa Sweden upang  ipaabot ang kaalaman pangkatutubong wika sa mga mamamayang Pilipino  sa Sweden at sa iba pang bansa sa Europa.

Ang nilalaman ng pahinang ito ay mga impormasyon at alituntunin tungkol sa INANGWIKA/KATUTUBONG WIKA. (modersmål) Ito rin ay naglalaman ng mga gawain ng mga bata sa paaralan, mga kuwento, mga bugtong,  mga awitin, tula, mga alamat at mga sanaysay  na maaaring makatulong sa pagbuo at pagpapatibay ng pagkapilipino at pagtitiwala sa sariling mga kabataan sa ngayon at sa hinaharap.

Mga kababayan, ang inyong mga kontribusyon sa pahinang ito ay malugod naming tatanggapin. Halina kayo`t magtulungan tayong itaguyod  ang ating wika, hindi lamang sa Pilipinas kundi sa lahat ng dako ng sandaigdigan.

Ang inyong lingkod,
Gloria Aquino Fälldin
Guro at namamahala sa pahinang ito

Senast uppdaterad ( 2009-09-04 09:23 )